Nakuha ng Miss USA na si Abena Appiah ang korona sa katatapos na Miss Grand International, na ginanap sa Thailand.
Habang ang pambato ng Pilipinas na si Samantha Bernardo naman ang nakakuha ng first runner-up place.
Sa question and answer portion, umagaw ng pansin ang sagot ni Sam ukol sa mga senior citizen na vulnerable aniya ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Bago ang coronation night, kuminang na ang ganda ni Sam dahil sa gown nito na inspired mula sa Philippine Eagle.
Ayon sa kaniyang designer na si Patrick Isorena na kaya niya ginawa ang ganung kasuotan dahil itinuturing na national bird ang Philippine Eagle.
Nais din nitong iparating na isang endangered na at nanganganib na maubos na ang mga agila.
Naging patok din ang gandara walk nito sa mga naunang pagrampa.
Samantala, second runner-up naman ang Guatemala, habang third runner-up ang Indonesia.