-- Advertisements --

Nagka-countdown na ang pambato ng Pilipinas sa Miss Grand International na si Samantha Bernardo para sa patapos na niyang quarantine kung saan nasa pang-siyam na araw na siya.

Ayon kay Sam, five more days na lamang ang kanyang gugugulin at sasabak na ito sa tunay na rampahan na bahagi ng training bago ang coronation sa darating na March 27 sa Bangkok.

Nabatid na dalawang kandidata na mula sa Nigeria at Kenya ang nagpositibo sa coronavirus at ngayo’y patuloy pang nagpapagaling.

Sa panig ng pamunuan ng Miss Grand International, pinawi ng mga ito ang pangamba ng mga kandidata sa pagsasabing na-sanitize na ang lahat ng sulok ng hotel kung saan sila naka-check in.

Tatangkaing maibigay ni Sam ang unang Miss Grand International crown para sa Pilipinas.

-- Advertisement --