Lumagda ng tatlong kasunduan ang Pilipinas at Australia ngayong araw kasabay ng pagbisita ng Pangulong Ferdinand MArcos Jr sa Canberra, Australia at humarap sa Australian Parliament.
Naniniwala ang Pang. Marcos na mas lalakas pa ang relasyon ng Pilipinas at Australia matapos lagdaan ang tatlong agreements.
Ang nilagdaang kasunduan ay nakatutok sa maritime agreement, cybersecuity at trade.
Inihayag ng Presidente sa nasabing mga kasunduan mas lalakas pa ang information sharing, capability building sa aspeto ng interoperability sa maritime domain ng Pilipinas at Australia.
Bukod pa dito ang inaaaahang mas matatag na partnership sa aspeto ng cyber and critical technology gayundin ng competition law.
Dagdag pa ng Pangulo may kabuuang 120 na mga kasunduan na nalagdaan sa mga nagdaan pang panahon ang dalawang bansa.
Ang tatlong panibagong kasunduan ay naka sentro at may kauganayn sa larangan ng air services, edukasyon, research, scientific cultural cooperation at defense cooperation.
“The three agreements exchanged today (Feb. 29) shall enhance information sharing, capability building, and interoperability between our relevant government agencies in the maritime domain and maritime environment, cyber and critical technology, and competition law. The three agreements add to the more than 120 agreements that our two countries have signed through the decades. And these are in various fields, including defense cooperation, air services, education, research, scientific and cultural cooperation, amongst others,” pahayag ni Pang. Marcos.