-- Advertisements --

Nagsagawa ng ikatlong maritime cooperative activity (MCA) ang Pilipinas at United States of America sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang pahayag, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang MCA ay naging routine activity na nagpapalakas sa matatag na pangako ng dalawang bansa na palakasin ang seguridad at katatagan sa buong rehiyon ng Indo-Pacific.

Kabilang sa mga aktibidad ng MCA ay ang communication exercises, photo exercises, and division tactics or Officer of the Watch Maneuvers.

Samantala, sabay-sabay na naglayag at lumahok sa advanced planning at maritime communication operations sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Philippine Navy’s BRP Gregorio Del Pilar (PS-15), AW109 Helicopter (NH434), at ang US Navy’s USS Gabrielle Giffords (LCS 10), sakay ng isang MH-60S Sea Hawk.

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na ang patuloy na maritime cooperative activity ay nagpapakita ng matatag na pakikipagtulungan sa pagitan ng dalawang bansa.