Ang mga tropang Pilipino at Amerikano na kalahok sa “Salaknib” military exercises ngayong taon ay nagpahinga sa kanilang pagsasanay sa digmaan at nag-donate ng humigit-kumulang 435 bags ng dugo.
Idinaos ang bloodletting drive sa Army Artillery Regiment’s (AAR) headquarters sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Ang nakolektang life-saving fluid ay ibibigay sa Philippine Red Cross at gagamitin upang matulungan ang mga pasyente na maaaring mangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo dahil sa sakit o anumang medikal na pangangailangan.
Ang “Salaknib,” ay isang Army-to-Army bilateral training exercise na naglalayong pahusayin ang interoperability ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa isang spectrum ng mga operasyong militar.
Nasa 3,000 na mga Pilipino at Amerikanong militar ang kalahok sa mga pagsasanay na ito na nagsimula noong Marso 13 at magtatapos naman sa darating na Abril 4.