Nagsagawa ng bilateral talks ang mga pinuno ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas at Estados Unidos sa tanggapan ng Philippine Air Force headquarters ng Philippine Air Force sa Pasay City noong Abril 5, 2024.
Ito ay sa kasagsagan ng naging pagbisita ni US Air Force Chief of Staff Gen. David Allvin na siya namang malugod na tinanggap ni Acting Vice Commander of the Philippine Air Force, MGen. Aristotle Gonzalez.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, kabilang sa mga natalakay sa naging papupulong ng dalawang opisyal ay ang pagpapaigting pa sa bilateral cooperation at mutual trust sa pagitan ng dalawang air forces.
Kasabay nito ay muli ring pinagtibay ng mga ito ang shared commitment ng dalawang Hukbo sa pagpapalalim pa ng defense at military relations nito na nakasentro naman sa pagpapalawig pa ng collaborative efforts sa iba’t-ibang larangan tulad ng regular na pagsasanay at pagkakasa ng joint exercises.
Samantala, sa pamamagitan naman ng isang kontruktibong pakikipagdayalogo at partnership sa foreign allies ng Pilipinas ay tiniyak ng PAF na mananatiling itong committed sa kanilang mandatong na mas palakasin pa ang defense ties at panatilihin din ang regional peace at stability.