-- Advertisements --
ph at south korea

Muling pinagtibay ng Pilipinas at South Korea ang matatag na ugnayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng bilateral talks kasabay ng idinaos na 8th Philippine-South Korea Policy Consultation sa Seoul.

Pinangunahan ni Foreign Affairs Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro ang delegasyon ng Pilipinas habang sa South Korean naman ay si First Vice Minister of Foreign Affairs Cho Hyundong.

Nagkaroon ng malalim na diskusyon ang dalawang panig pagdating sa defense and security issues, maritime engagement, trade, investment, energy, nuclear power, infrastructure, science and technology, information and communications technology cooperation, climate change, at people-to-people exchanges na nakasentro sa turismo at consular cooperation.

Napag-usapan din ang pananaw ng bawat isa pagdating sa isyu sa West Philippine Sea, Korean Peninsula, Association of Southeast Asian Nation- Republic of Korea (ASEAN-ROK), Ukraine crisis at kooperasyon sa international at multilateral arena.

Inilatag din ng ilang mga nakaplanong proyekto ng Pilipinas kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine-South Korea diplomatic relations mula Marso 2024 hanggang Marso 2025.

Nkatakdang idaos ang ika-75 taon ng diplomatic relations ng Pilipinas at South Korea sa susunod na taon.