-- Advertisements --
image 150

Magdaraos ang mga tropang Pilipino at Malaysian ng mga pagsasanay sa karagatan sa silangang Mindanao, ilang araw matapos isama ng China ang teritoryo ng Malaysia sa binagong 10-dash line map nito.

Ang bagong mapa ng China ay naglikha ng tensyon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa India at Vietnam.

Magsisimula ngayong linggo ang isang serye ng mga maritime exercises sa silangang bahagi ng bansa, na karatig ng Malaysia, upang mahasa ang kakayahan ng dalawang bansa na tumugon sa mga hamon na dulot ng paggamit ng China ng soberanya at hurisdiksyon nito sa kanilang mga lugar.

Ang nasabing drill ay tinawag na MALPHI LAUT 24/23, ay pormal na binuksan sa mga seremonya sa punong tanggapan ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) sa Davao City.

Sinabi ni Naval Forces Eastern Mindanao commander Commodore Carlos Sabarre, ang pagsasagawa ng taunang ehersisyo ay nagpapakita din ng pakikipagtulungan, interoperability, at kahandaan ng hukbong-dagat sa anumang sitwasyon o mga hamon na maaaring lumitaw sa mga dynamic maritime domain.

Dagdag dito, ang naturang pagsasanay ng Filipino at Malaysian troops ay nakatakdang magsimula sa araw ng Biyernes.