-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produkto.

Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.80 na taas presyo sa kada litro ng gasolina.

Ganun ang diesel ay mayroon P1.80 na taas presyo sa kada litro.

Habang ang kerosene ay ang mayroong P1.50 na taas presyo sa kada litro.

Ayon sa Department of Energy na ang nasabing taas presyo ay bunsod ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran.