-- Advertisements --
image 137

Pinag-uusapan na ng Pilipinas at Australia ang planong joint maritime activities kabailang ang posibleng pagpapatrolya sa contested waters.

Sinabi ni DFA Sec. Enrique Manalo sa kaniyang talumpati sa Australian Institute of International Affairs sa University of Adelaide, sinabi nito na tinitignan ng dalawang bansa ang pagpapalawig pa ang maritime cooperation sa mayamang karagatan.

Ang mga aktibidad na ito ay kabilang ang policy planning, practical engagement and capacity-building activities sa pmamamgitan ng combined maritime activities sa pinagtatalunang karagatan na inaangkin ng China.

Sinabi din ni Manalo na kapwa sumang-ayon ang dalawang partido na magsagawa ng taunang Defense Ministers’ Meeting simula sa 2024.

Kung saan kanilang tatalakayin amg cybersecurity, critical infrastructure security, law enforcement, science and innovation, environmental protection at climate change.

Pinasalamatan ni Manalo ang Australia para sa walang kapantay na suporta nito para sa 2016 Arbitral Award sa west PH Sea at sa tulong nito sa pag-upgrade ng mga kapasidad ng Philippine Coast Guard.