Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang ginagawang Humanitarian Assistance and Disaster Response operations ng mga otoridad sa mga kababayan nating apektado ng nararanasang masamang lagay ng panahon sa Davao de Oro.
Ayon kay Air Force Public Affairs Office Chief Col. Ma. Consuelo Castillo, gamit ang dalawang Bell 412 CUH helicopter ng PAF ay naihatid ang 800 sako ng mga relief goods sa mga apektadong lugar.
Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang Tactical Operations Wing Eastern Mindanao at Pamahalaang Panlalawigan kung saan nakapaghatid ito ng tulong sa partikular na sa New Bataan sa Davao de Oro na lubhang naapektuhan ng kalamidad.
Samantala, kaugnay nito ay tiniyak naman ng PAF na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan at mga lgu sa iba pang mga rehiyon apektado rin ng malawakang pagbaha, at pagguho ng lupa na dulot ng nagpapatuloy na nararanasang weather disturbances.