Magkasanib puwersang nagsagawa ng cloud seeding operations ang Philippine Air Force at Department of Agriculture sa Southern Cagayan, at Northern Isabela nitong Pebrero 25 hanggang 26, 2024.
Layunin nito na matulungan ang mga kababayan nating mga magsasaka sa isa sa mga pangunahing naaapektuhan ng nararanasang matindining init ng panahon na dulot ng El Nino phenomenon.
Sa pagtutulungan ng PAF, DA, at Bureau of Soils and Water Management ay matagumpay na naikalat ang nasa 800kgs ng sodium chloride sa mga cloud formation sa Southern Cagayan at Northern Isabela gamit ang civilian Piper Navajo aircraft ng 900th Air Force Weather Group.
Ayon kay PAF Public Affairs Office chief Col. Ma. Consuelo Castillo, ang isinagawa nilang cloud seeding operations ay nilalayong makagawa ng ulan para tulungan ang mga pananim na maka-survive sa panahon ng tagtuyod nang dahil sa nararanasang El Nino phenomenon sa bansa.