-- Advertisements --
Magsasagawa ang Pfizer pag-aaral sa pagiging epektibo ng kanilang COVID-19 vaccine.
Ito ay sa pamamagitan ng pagturok sa buong populasyon ng 12-anyos pataas sa isang bayan sa southern Brazil.
Ayon sa Pfizer na kanilang babakunahan ang 143,000 na populasyon ng Toledo, Brazil para makita kung gaano kaapektibo ang kanilang bakuna.
Ang nasabing hakbang ay sa ilalim ng national vaccination program ng Brazil sa pakikipagtulungan na rin ng local health authorities, mga pagamutan at federal university.
Dagdag pa ng kompaniya, layon ng pag-aaral ay para malaman nila ang hawaan ng virus sa tinatawag na “real-life scenario” kapag nabakunahan na ang buong populasyon sa nasabing lugar.