-- Advertisements --
Patuloy na inaaral ng Philippine Football Federation (PFF) ang ilang mga pagkukulang na maaring ayusin sa Philippine Azkals matapos ang bigong kampanya sa Asean Football Federation (AFF).
Sinabi ni PFF president Nonong Araneta na kahit na nabigo ang Azkals ay nakitaan niya ng malaking improvements.
Naghahanda na rin aniya sila para s mga susunod na torneo gaya ng Asian Cup Qualifiers at World Cup Qualifiers.
Inaasahan aniya nito na may ilang pagbabago si Azkals coach Josep Ferre sa line ups para sa mga susunod na torneo.