-- Advertisements --

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang petisyon para sa kanselasyon kanselasyon nang Senate bid ng broadcaster na si Raffy Tulfo.

Ang petition na ito ay inahin ni Julieta Pearson noong Oktubre 25, sa pagsasabi na sa COC ni Tulfo si Jocelyn Pua Tulfo ang asawa nito.

Ayon kay Pearson, hindi totoong kasal si Tulfo sa incumbent ACT-CIS party-list Representative.

Bukod dito, sinabi rin niya na nahaharap sa criminal complaints at dual citizen si Tulfo.


Pero sa siyam na pahinang desisyon, sinabi ng Second Division ng Comelec na walang legal leg ang petition ni Pearson.

Hindi rin anila material matter ang civil status ni Tulfo sa dahilan na hindi naman ito nagpapakita ng kanyang qualification para humawak kung sakali ng isang posisyon sa pamahalaan.

Napuna rin ng Second Division ang hindi paglalagay ng petitioner ng kopya ng COC ni Tulfo.


Hindi rin anila naipaliwanag ng petitioner ang mga alegasyon nito sa tagal nang pananatili sa Pilipinas n i Tulgo.

Dagdag pa nila na walang obligasyon si Tulfo na isapubliko ang detalye ng kanyang mga pending cases.