-- Advertisements --
Pier 15 DOTR COVID facility
Pier 15 DOTR COVID facility

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon na humirit na obligahin ang pamahalaan ng magsagawa ng “mass testing” para sa Coronavirus diaease 2019 (COVID-19).

Sa notice ng Supreme Court en banc, nakasaad na dismissed ang petisyon na inihain ng Citizens Urgent Response to End COVID-19 (CURE) sa pangunguna ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Judy Taguiwalo at iba pang mga grupo, kahit walang komento ang mga petitioner.

Ito ay dahil sa kabiguan umano ng mga petitioner na magpakita ng sapat na dahilan para maglabas ang Korte Suprema ng writ of mandamus.

Paliwanag ng Korte Suprema, ang mandamus petition ay angkop lamang kung mayroong “mandatory duty.”

At sa naturang usapin, walang duty para sa mass testing.

Wala rin umanong administrative remedies na ginawa ang mga petitioner.

Matatandaan na sa petisyon ay hiniling sa Korte Suprema na obligahin ang mga ahensya ng pamahalaan, sa pangunguna ng Department of Health (DoH) na magsagawa ng mass testing, malawakang contact tracing and isolation at epektibong pagtugon sa mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ayon pa sa petitioners, delayed ang tugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic, kulang sa komprehensibong public health approach kaya tumataas ang human rights violations at wala ring proactive plan o hakbang para tumaas ang testing capacity ng bansa.

Nag-disent naman sa botohan si Associate Justice Marvic Leonen at sinabing dapat ay pinagkomento muna ang mga petitioner.