-- Advertisements --

Naging matagumpay ang Olympic qualifier tournament ni Nesthy Petecio matapos talunin si Andela Brankovic ng Serbia.

Tinalo nito ang Serbian boxers sa loob ng unang round sa World Qualification Tournament na ginanap sa Italy.

Dahil dito ay pasok na ang 31-anyos na Davao del Sur boxer sa ikalawang round na makakaharap niya si Maria Claudia Nechita ng Romania.

Para makasama sa Olympics ay kailangan makapasok ito sa mga qualifying tournaments sa kaniyang 57 kilogram women’s division.