Nanawagan sa publiko ang grupong People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) na iwasan na ang pagkain ng karne para maiwasan umano ang pagkalat ng ano mang uri ng “killer diseases.”

Nitong umaga nang sumugod sa tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Maynila ang ilang animal welfare advocates bitbit ang mga placard, habang nakasuot ng biohazard suits.

Ayon sa grupo, ang patuloy na pagbebenta at kalakalan ng karneng hayop at iba pang animal-deprived products ay may epekto sa pagkakaroon ng outbreak ng sakit.

Paliwanag ng PETA, nagsisilbing breeding ground ng pathogens ang mga maduduming slaughterhouses o katayan.

Dagdag pa ng grupo, mas makabubuti kung sisimulan ng publiko ang tuluyang pagtangkilik sa pagkain ng gulay at iba pang alternatibo.

-- Advertisement --