Nagsusumikap ang bagong namumuno sa Peru na pigilan ang kasalukuyang nagaganap na kaguluhan matapos ang pagpapatalsik sa dating Pangulo na si Pedro Castillo.
Nagtalaga ang bagong presidente ng Peru ng bagong ministro habang ang kanilang bansa ay nababalisa mula sa patuloy na mga protesta.
Ang napiling punong ministro ni Pangulong Dina Boluarte ay si Alberto Otarola, na bilang defense minister ay nangasiwa sa isang state of emergency na nagpapahintulot sa deployment ng militar upang tumulong sa pagsugpo sa mga protesta bilang suporta sa napatalsik na pangulong Pedro Castillo.
Dagdag dito, ayon sa update mula sa rights ombudsman ng Peru, ang mga sagupaan sa pagitan ng mga nagpoprotesta at mga pwersang panseguridad ay nagresulta sa 22 pagkamatay ng mga tao at may daan-daang na mga nasugatan.
Si Alberto Otarola ang ikapitong punong ministro ng Peru mula nang maupo si Castillo bilang namumuno noong Hulyo 2021.
Una na rito, bumoto ang Kongreso ng Peru para sa halalan na gaganapin sa April 2024, na nagsasaad na dapat ibigay ni Boluarte ang kapangyarihan sa mananalo sa July 2024.