Itinuturing ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) pinakamababa sa loob ng siyam na buwan ang naitalang personal remittance na ipinadala sa bansa ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa noong Pebrero.
Sa nasabing buwan kasi ay mayroong $2.86 biliyon na remittance na ito ay mas mataas ng 2.4 percent kumpara sa $2.79 bilyon noong Pebrero ng nakaraang taon.
Ito na rin ang pinakamababa sa loob ng siyam na buwan kung saan noong Mayo 2022 ay nagtala ng remittance ng $2.7 bilyon.
Ang February growth din ang itinuturing na pinakamabagal sa loob ng pitong buwan o mula ng magtala ng 2.3 percent noong Hulyo pero mas mataas ito ng 1.3 percent noong Pebrero 2022.
Itinuturing na dahilan ng pagbagal ng OFW remittrance ay ang mataas na bilihin o ang pataas na antas ng pamumuhay.