-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na huwag magpaapekto sa pananakot ng komunistang grupo matapos ideklara ang mga itong persona non grata.

Hinimok ni DILG Sec. Eduardo Año ang local officials na manindigan sa pagsisikap na ginagawa ng gobyerno para tuluyang masugpo ang karahasan sa bansa.

Kamakailan nang aminin ni Mayor Romy Salvame ng Taytay, Palawan na nakatanggap siya ng death threat at iba pang opisyal matapos ipasa ang resolusyon na nagdedeklara sa New People’s Army na persona non grata o bawal ng tumapak sa lugar.

“We have a committed ally in no less than President Rodrigo Duterte. Now is not the time to fear; now is the time to take a stand against these CTGs (communist terrorist groups) to show them that we will not be a party to their plot against the government and our democratic way of life.”

Ayon kay Año malinaw ang mensahe ng mga rebelde hinggil sa patuloy na paguudyok sa karahasan.

Sa kabila nito naniniwala ang kalihim na magiging hudyat ang resolusyon sa Palawan para ideklara ring persona non grata ang NPA sa ibang parte ng Pilipinas.

“Sa kabila ng pananakot ng NPA, nanatiling buo ang kanilang loob at ito rin ang inaasahan at hinihiling natin sa ibang mga LGU na nagdeklara ng persona non grata sa NPA.”

“Huwag po kayong mag-alala. Handa ang ating kapulisan at military na protektahan kayo. Kakampi ninyo sila at ang buong komunidad.”