Direktang itinanggi ng Malacañang ngayong Lunes, Mayo 18, 2026, ang pahayag ni Senate President Alan Peter Cayetano na ang Senado ay “under attack” o inatake.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing ngayong araw, “never under attack” o kailanman ay hindi inatake ang lehislatura, salungat sa naging emosyonal na paggit ni Cayetano.
Tahasang sinabi ni Usec. Claire Castro na makikita sa mga balita at sa ulat ng NBI at PNP na walang nangyaring pag-atake sa institusyon.
Iginiit ng Palasyo na ang ideyang “under attack” ang Senado ay personal na pahayag at opinyon lamang ni Sen. Alan Peter Cayetano.
Nang tanungin kung ito rin ba ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sumagot si Castro ng “Of course.”
Hindi naman direktang kinumpirma ng Palasyo kung “staged” o katha-katha lamang ang insidente, ngunit sinabi nitong malaya ang taumbayan na humusga base sa mga lumalabas na opisyal na ulat.
















