EJ Obiena vault
-- Advertisements --
EJ OBIENA

Inamin ngayon ng head ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na hindi mismo galing sa pederasyon ang perang ipinambayad sa coach ng Olmpian at pole vaulter na si Ernest John (EJ) Obiena.

Ayon kay PATAFA President Philip Juico, ang pinambayad daw ay mula sa iba’t ibang sources.

Kabilang na raw dito ang dalawang galing sa Arab Bank na ginamit din sa mga naunang transaksiyon.

Mayroon din umanong isang galing sa bangko sa Germany at mayroon ding galing sa ina mismo ng pole vaulter.

Una nang itinanggi ni Obiena na pinalsipika nito ang mga liquidation na isinumite sa national sports body.

-- Advertisement --

Noong Linggo nang pumutok ang balitang ipinababalik ng PATAFA ang 85,000 euros o katumbas ng P4.8 million na hindi ibinayad ni vaulter sa kanyang coach na si Vitaly Petrov.