-- Advertisements --

Mas angkop umano ang pera bilang ayuda sa mga apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ito ang naging pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, kasunod ng pahayag ng inter-agency task force (IATF) na “in kind” ang gagawing distribusyon.

Ayon kay Drilon, mas lantad sa korapsyon ang “in kind” na ibibigay, kung kanya-kanyang bili sa local level.

“I can assure you a week from now, you will hear allegations of corruption in the purchase of this ayuda in-kind,” wika ni Drilon.

May mga kaso kasi ng repacking, kung saan ang dating mga corned beef, sardinas, bigas, asukal at iba pang pagkain ay noodles na lamang pagdating sa mga residente.

Sa panig naman ni Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe, kailangan na ang agarang pinansyal na tulong sa mga labis na naapektuhan ng paghihigpit.

Dapat aniyang madaliin ito para hindi na mapilitan ang paglabas pa sa panahon ng paghihigpit.

“We seek timely and sufficient cash aid and other assistance to needy families, so they won’t be forced to go out of their homes to find food and basic needs,” pahayag ni Poe.