-- Advertisements --

Dapat daw i-dismissed ng Commission on Elections ang people’s initiative na naglalayong baguhin ang constitution, ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Nilinaw din ng dating SC Associate justice na ang people’s initiative ay pwede lamang magpanukala ng amendments o ilang pagbabago sa konstitusyon at hindi revisions o ganap na pagrebisa sa Saligang batas base sa mga probisyon na nakapaloob sa 1987 Constitution at 2006 SC case, Lambino vs Comelec.

Nilinaw din ni Carpio na ang constitutional convention (Con-Con)at constitutional assembly (Con-Ass) ay parehong pwedeng amyendahan at irebisa ang Saligang Batas. Hindi tulad ng people’s initiative na amendments lamang ang pwedeng gawin.

Sa isinusulong kasing people’s initiative, layon nitong magbotohan nang magkasama ang kongreso at senado imbes na magkahiwalay.

Binigyang-diin din ni Carpio na kailangan ng debate at recorded proceeding para maisakatuparan ang pag-rebisa sa saligang batas.

Sakaling tanggapin ng Comelec ang people’s initiative, maaari daw dumulog ang mga kontra dito sa Korte Suprema.