-- Advertisements --
viber image 2023 08 26 14 43 06 068

Walang naging direktang tugon ang Pentagon kaugnay sa namataang US aircraft sa kasagsagan ng resupply mission ng Pilipinas kamakailan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.

Sa isang press briefing, hindi direktang sinagot ni Pentagon Press Secretary Brigadier General Pat Ryder ang katanungan sa naturang usapin subalit binanggit ng opisyal na mananatili ang suporta ng Estados Unidos para sa Pilipinas kaugnay sa isyu ng soberanya ng bansa.

Ipinaubaya na lamang ng US official sa mga kinauukulan sa PH ang pagbibigay ng mga detalye sa kanilang naging operasyon.

Samantala, sinabi naman ng Pentagon Press Secretary na nakabantay ang US at handang tumulong sakaling hilingin ng PH.

Una rito, isang US Navy surveillance plane ang namataang umiikot malapit sa Second Thomas Shoal o Ayungin Shoal habang hinaharass ng China Coast Guard at Chinese Maritime militia ang resupply mission ng Pilipinas.

Kinumpirma naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro nitong Biyernes na ang namataang aircraft sa resupply mission ay bahagi ng isinasagawang freedom of navigation operations ng Amerika.