-- Advertisements --

Naglunsad ng airstrike ang Pentagon laban sa Iranian-backed Shia militia group sa Iraq na pinaniniwalaang responsable sa rocket atttack laban sa tropa militar ng Amerika at Britanya na naka-base sa Baghdad.

Target umano nang pag-atake na ito ang Kataib Hezbollah weapons facilities sa loob ng Iraq.

Dalawang amerikano at isang British national ang namatay dahil sa rocket attack na tumama sa tinutuluyang base militar ng U.S. military personnel.

Kinumpirma naman ang insidenteng ito ni Army Col. Myles Caggins, tagapagsalita ng U.S. military, kung saan sinabi nito na aabot sa 15 rockets ang tumama sa Camp Taji base sa Iraq.

Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ng Iran kung sila nga ba ang nasa likod ng nasabing rocket attack.

Ngunit ayon sa US State Department, malinaw umanong ebidensya ang ginawa nilang pagpapakawala ng ballictic missiles sa dalawa Iraqi mitary bases noong Enero.

Dagdag pa ni Caggins na sa kasalukuyan silang nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa insidente.