-- Advertisements --
Hindi na muna ilalabas sa Camp Aguinaldo detention facility si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kahit deklaradong naka-release na ito mula sa hurisdiksyon ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay BuCor spokesman Gabriel Chaclag, alas-11:00 ng umaga kanina nang iproseso nila ang turn over sa Bureau of Immigration (BI).
Mula sa pagbabantay ng mga tauhan ng BuCor, take-over na sa kanila ang immigration guards.
Ang mga dating bantay sa piitan ng dating US serviceman ay iri-recall na pabalik sa New Bilibid Prison (NBP) duties.
Pero bilang pagtalima sa health protocols, sumalang din sa swab test si Pemberto.
Inaasahang sa paglabas ng test makakabalik sa Estados Unidos ang US soldier na nabigyan ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.