-- Advertisements --
Negatibo si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa Coronavirus disese 2019 (COVID-19) isinagawang real time polymerase chain reaction (RT-PCR) test.
Ito ang kinumpirma mismo ng Bureau of Corrections (BuCor).
ANG RT-PCR test ay isinagawa at iprinoseso ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na siya na lamang hinihintay para makaalis na sa bansa ang dating sundalo.
Isinagawa ang swab test ng US servicemen noong September 9 dakong alas-10:15 ng umaga.
Ang banyaga ay nakulong ng halos anim na taon dahil na rin sa pagpatay sa Pinay transgender woman na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.