-- Advertisements --

Nakapagtala ng record ang pelikulang Spider-Man: No Way Home matapos makapagtala ng $1-bilyon na kita sa global box office.

Dahil dito, ang nasabing pelikula ay siyan naging kauna-unahang pandemic-era movie na kumita ng ganoong kalaking kita.

Tinalo nito ang Korean War epic na “The Battle of Lake Changjin”, na kumita ng $905-M sa buong mundo”.

Wala aniyang pelikula na nakakamit ng nasabing record ng magsimula ang COVID-19 pandemic.

Nakamit nito ang record dalawang linggo mula ng ipalabas sa mga sinehan kung saan hindi pa ito naipalabas sa China na itinuturing na may pinakamalaking audience.