Joker Movie
Joker Movie

Nakapagtala ng record ang pelikulang Joker.

Ito ay matapos na makapagtala ng $1-billion na global ticket sales.

Bukod pa dyan ang pagiging kauna-unahang R-rated movie na nakapagtala ng nasabing record.

Ang U.S. R-rating ay dapat na samahan ng mga may edad na ang mga manonood na 17-anyos pababa.

Base na rin sa US box office chart nasa pang-pitong puwesto ang nasabing pelikula.

Nanguna dito ang Avengers: Endgame na may kabuuang kita na $2.79 billion na sinundan ng The Lion King na may kita na $1.65 billion habang pangatlo sa puwesto ang Spider-Man: Far From Home na may kita na $1.13 bn.