Reading Time: 1 minute

Inanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang apat sa anim na napiling official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Ayon kay MMDA at MMFF Chairman Danilo Lim, kabilang sa mga unang batch ay ang mga sumusunod:

“Kampon” tampok si Kris Aquino at Derek Ramsay

“Momalland” ni Vice Ganda at Anne Curtis

“Mission Unstoppable” kung saan bida si Vic Sotto at Maine Mendoza

“Miracle in Cell No. 7” tampok si Aga Muhlach at Nadine Lustre

Sa ngayon ay apat pa ang nakatakdang piliin ng MMDA para mabuo ang taunang “Magic 8” official entries.

Noong 2018 MMFF, ang LGBT (lesbian-gay-bisexual-transgender) themed entry na “Rainbow’s Sunset” ang humakot partikular ng ilang major awards ngunit isyu naman ang pag-alis sa kanila sa ilang sinehan.