Idineklara ng Malacañang ang Pebrero 8 bilang holiday sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ilang mga Muslim-majority areas dahil sa paggunita ng Al-Isra’ Wal Mi’raj o Night Journey at Ascension of Prophet Muhammad.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na ang holiday ay epektibo sa mga sumusunod na lugar: Basilan, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao
North Cotabato, Sultan Kudarat, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Cotabato, Iligan, Marawi, Pagadian at Zamboanga.
Maaring mag-holiday ang mga Muslim na empleyado ng gobyerno sa labas ng BARMM.
Sa memorandum naman ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles, na ang lahat ng mga Muslim government officials at empleyado ay maaring hindi pumasok sa kanilang opisina sa Pebrero 8, 2024 ng hindi minamarkahang absent.