Tinalakay usapin sa peace talks sa mga rebeldeng komunista sa naging pag-uusap nina President-elect Ferdinand Marcos Jr at Norwegian officials.
Sa courtesy call visit ni Norwegian Ambassador Bjorn Jahnsen, napag-usapan aniya ang hinggil sa engagement ng Norway sa Bangsamoro kung saan ang Norway ang nagsisilbing panel na namamahala para sa decommissioning ng dating mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Tumanggi naman ang Norwegian official na idetalye pa ang kabuuan nilang pag-uusap ni Marcos Jr hinggil sa Communist Party of the Philippines at sa halip ay ibinahagi nito ang kanilang iba pang peace efforts na napag-usapan sa naturang pagpupulong
Nabatid na ang Norway ang nagsisilbing third-party facilitator sa peace negotiations sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Communist Party of the Philippines (CPP).
iniulat ng Norwegian official na nasa 20,000 former combatants ang nadicommissioned kalahati ito ng kanilang target.
Nabuo ang samahan ng CPP at ng armed wing nito na NPA noong late ’60s sa ilalim ng rehimen ng ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.