-- Advertisements --

Binatikos ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang isang AI-generated na larawan na ibinahagi ni US President Donald Trump, kung saan ipinakita siya na nakasuot ng damit-pang Papal at nakaupo sa isang trono bilang Santo Papa.

Sa isang post sa social media, sinabi ni David, “NOT FUNNY, SIR” sa iba’t ibang wika, kabilang ang Filipino.

Ayon sa kanya, ang sumusunod na AI-generated na larawan ay ipost ni Trump ilang araw matapos niyang dumalo sa libing ni Pope Francis at habang ang buong mundo ng Katoliko ay nagluluksa.

Dagdag pa nito na ”Hindi nakakatawa” ang ginawa ni Trump.

Ang kontrobesyal na post ay kasunod ng biro ni Trump na nais umano niyang maging susunod na Santo Papa na umani ng batikos online at sa mga lider ng Simbahang Katolika dahil sa kawalan ng respeto umano bilang paghahanda sa nalalapit na pagpili ng susunod na Santo Papa sa Mayo 7, 2025.