-- Advertisements --
image 249

Nangako si Taiwanese president Tsai Ing Wen na imementene ang kapayapaan ay katatagan sa Taiwan Straight, na siyang sentro ng maritime activity ng China na umaangkin sa Taiwan.

Ginawa rin ng presidente ang pahayag sa likod ng paglakas pa ng military pressure na ginagawa ng China laban sa Taiwan.

Ayon kay Wen, ang digmaan ay wala sa mga option na tinitingnan ng kanyang administrasyon.

Sa likod din ng nagpapatuloy na civil at military attacks ng China aniya, ang mga Taiwanese ay mananatiling ‘kalmado at hindi aggresibo, makatwiran at hindi mapanukso’.

Nais din aniya ng Taiwan na hanggat maaari ay manatili ang staus qou sa kabuuan ng Taiwan, kasama na ang Taiwan Strait.

Ginawa ng presidente ang mga pahayag habang nalalapit ang kanyang pagbaba sa pwesto kung saan nakatakda ang halalan ng Taiwan sa Enero ng susunod na taon. Si Wen ay pitong taon na ring naninilbihan na pangulo ng Taiwan.