-- Advertisements --
La Union

LA UNION – Naka-red alert na ang Provincial Dissaster Risk Reduction & Management Council (PDRRMC) kaugnay sa banta ng bagyong Ambo sa La Union.

Kaugnay nito, may inihanda naman ng preposition ang City Dissaster Risk Reduction Managemet Office (CDRRMO) sa mga matataas na lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Julie Ann Hipona, lider ng CDRRMO, naghahanda na rin sila sa posibilidad ng pre-emptive evacuation kung kinakailangan.

Nakipag-unayan na rin sila sa mga barangay na may mga Person Under Investigation (PUI’s) para sa paglipat sa kanila sa matataas na lugar upang hindi makahawa sa iba.

Ayon pa kay Hipona, activited na rin ang 70 evuacation center na lilipatan ng mga evacuees.

Samantala, pinaalalahanan rin nito ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot habang may bagyo.

Pinaalalahanan rin nito ang mga residente na ugaliing magsuot ng facemask dahil nananatili pa rin ang banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).