-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinagulat sa buong pamunuan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang pagkahuli ng dati nilang performing regional director na si Edwin Layese dahil ini-ugnay pagpatay sa isang abogado sa Cebu City noong Nobyembre 2020.

Ito ay matapos unang iginiit ni NBI 7 regional director Renan Oliva na hawak nila ang sapat na mga ebedensiya na umano’y sangkot si Layese nang binaril-patay si Atty Joey Luis Wee sa bisinidad ng sariling opisina nito sa Cebu noong nagdaang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PDEA-10 regional director Emerson Rosales na naabutan pa niya si Layese sa loob ng kanilang organisasyon noong unang panahon subalit lahat umano sila ang nagulantang sa akusasyon isinangkot ng mga otoridad rito.

Inihayag ni Rosales na maging sila na senior PDEA officials na nasa Caticlan,Aklan dahil sa taunang pagtitipon ay gustong malaman kung ano rin ang magiging resulta ng imbetigasyon sa dating kasamahan.

Si Layese ay kilala na performing regional director ng PDEA-10 kaya pinigilan ng lokal na pamahalaan ng lungsod noon na malipat sa PDEA-ARMM hanggang napadpad sa Western Visayas at tuluyang napaalis sa serbisyo dahil sa kawalan ng civil service career eligibility taong 2012.