-- Advertisements --

Ipinauubaya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa korte ang desisyon hinggil sa kaso ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.

Kasunod ito ng pagbawi ni Espinosa sa kanyang naging pahayag laban kay Senator Leila de Lima na nagdadawit sa kanya sa kalakaran ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong nanunungkulan pa ito bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Sa isang pahayag ay iginiit ng PDEA na hindi ito interesado na matuklasan ang katotohanan at usigin ang mga sangkot sa naturang kaso ng iligal na droga.

Samantala, sa kabilang banda naman ay nanawagan ang New York-based Human Rights Watch na dapat nang palayain ng mga awtoridad ng Pilipinas ang senadora mula sa pagkakakulong matapos na bawiin ni Kerwin ang kanyang mga naunang paratang.

Magugunita na una rito ay ipinahayag ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na walang anumang magiging epekto ang naging pagbabago sa statement ni Espinosa sa mga kasong isinampa laban si De Lima.