Dumepensa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos punahin ng Commission on Audit ang undocumented umanong travel expenses ng ahensya noong 2018 na umabot ng P74-million.
Ayon kay PDEA director general Aaron Aquino, hindi totoo ang ulat ng state auditors dahil nasa P22-milyon halaga lang ng kanilang mga biyahe ang nagkulang sa dokumento.
Nilinaw ng opisyal na galing sa iba’t-ibang supplier at gastusin ng ahensya ang nasa P51-milyon disbursement vouchers na hiwalay ding kinuwestyon ng COA.
“I would like to clarify for it will bring misconception to the public that public funds were being used in violation of the existing rules of the Commission on Audit.â€
Kabilang daw ito sa kanilang List of Due and Demandable Accounts Payable na idinadaan sa bangko ng ahensya.
Gayunpaman, inamin ni Aquino na wala silang natanggap na official receipts mula sa suppliers.
“We are adhering to all COA rules and regulations. However, pagkabayad namin sa suppliers through bank deposits, hindi na sila nagbibigay ng official receipts.â€
Kaya hiling nito sa state auditors, ikonsidera na ang pagkilala sa mga cheke bilang mode of payment para tiyak na magkakaroon ang ahensya ng kopya nito.
Batay sa audit report ng COA noong 2018, hindi suportado ng official receipts ang P51-milyon halaga ng mga nagastos ng PDEA.
Habang kulang naman daw ang dokumento ng liquidation report ng ahensya para sa iba pang gastusin nito na umabot ng P22-milyon.