-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kanilang hahabulin ang mga iligal na lottery operations sa bansa.

Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles, na iligal ang lahat ng mga online lotto na gumagamit ng kanilang logo.

Hindi aniya sila magsasawa na arestuhin at kasuhan ang mga gumagamit ng kanilang opisina para makapanloko.

Nakatakda ring ilunsad ng PCSO ang e-lotto applications sa buwan ng Nobyembre.

Maguguntang kinasuhan ng PCSO ang apat na kumpanya na gumagamit ng kanilang pangalan at nagsasagawa ng iligal na lottery operations.