Reading Time: 1 minute

Balak ni House Minority Leader Bienvenido Abante na maghain ng panukala na aamiyenda sa charter ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Abante na nais niyang mabisita muli ang PCSO charter dahil walang nakalagay na parusa patungkol sa korapsyon.

Bukod dito, matagal na ang charter ng PCSO dahil Hunyo 18, 1954 at wala rin itong expiration.

Samantala, suportado naman ni Abang-Linkod party-list Rep. Joseph Paduano ang balak na ito ng Abante para maayos ang batasng PCSO.

Ito ay para na rin gawing malinaw ang trabaho ng PCSO, pati na rin ang gambling operations nito.