-- Advertisements --

Naglunsad na ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard para sa tatlong nawawalang mangingisda sa Batangas.

Nagtalaga ang ahensya ng multi-role response vessel na BRP Malapascua (MRRV 4403) sa paghahanap kay Wilbert Binay, 45; Edgar Glen Binay, 42, at Harvey Gadbilao.

Ang naturang insidente ay iniulat ni  Catalino Binay na isang   barangay kagawad sa San Juan, Batangas.

Ayon kay Binay, ang mga mangingisda ay sakay ng   MBCA Velocity  ng ito ay  tumaob habang nangingisda malapit sa Barangay Makawayan, Tingloy, noong Lunes ng hapon.

Nagsasagawa ng search operations ang mga rescuers sa dagat ng Barangay Makawayan, Tingloy at mga karatig na lugar.

Pinayuhan ng Coast Guard District Southern Tagalog ang  western border   nito na bantayan ang mga nawawalang mangingisda.

Nakipag-ugnayan na ang Coast Guard Sub-station Calatagan  sa Coast Guard Substation Lubang tungkol sa Gadbilao.

Hinihimok nama ng PCG ang mga komunidad kung saan nawawala ang tatlong mangingisdang ito na manatiling mapagbantay at iulat ang anumang impormasyon na maaaring makatulong sa search and rescue operation.