Muling nagsama-sama ang maritime officials ng Pilipinas, Estados Unidos at Southeast Asian countries para sa security drill execrices kontra iligal na droga, smuggling at terorismo sa West Philippine Sea.
Nitong araw nang maganap ang ikapitong araw ng taunang Southeast Asia Cooperation and Training (SEACAT) exercise na ginanap sa Subic Bay, Zambales.
Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Capt. Armand Balilo, layunin ng aktibidad na pagtibayin ang inter-operability ng participating countries sa maritime terrorism operations.
“Ang pagsasanay ay ang final phase ng isinasagawang SEACAT o ang Southeast Asia Cooperation and Training Exercise. Layon nitong pagtibayin ang inter-operability ng mga participants sa maritime terrorism operations,” ani Balilo.
Kabilang sa mga ginawa ng maritime officials ang identification, tracking, boarding at search ng isang barko na kunwari’y may tangka na magsabotahe ng commercial at shipping activities.
Bukod sa Pilipinas at Amerika, nakisali rin sa aktibidad ang mga bansang Malaysia, Thailand, Singapore, Sri Lanka, Indonesia at Cambodia.
Nagsimula ang SEACAT exercises noong August 19 at magtatapos sa August 30, araw ng Biyernes.