-- Advertisements --
pcg deployment bske at undas

Sisiguraduhin ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang overloading sa mga sasakyang pandagat na maglalayag sa long weekend ng barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) at Undas.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan, inutusan sila ni Transportation Secretary Jaime Bautista na tiyaking walang labis na pasahero na sasakay sa mga sasakyang pandagat o motor banca, at lahat ng pasahero ay dapat nakasulat sa manipesto.

Aniya, kawawa ang mga pasahero lalo na ang kanilang mahal sa buhay na hindi nakalagay sa manipesto sakali man na may hindi magandang pangyayari sa kanilang paglalayag dahil nagkakaroon ng problema sa pag-clail ng insurance.

Sinabi ni pa ng PCG official na responsibilidad din ng mga shipping operator na tiyaking hindi nagdadala ng mga overweight na bag ang mga pasahero at iba pang gamit upang maiwasan ang overloading.

Sa ngayon, naka-heightened alert na ang PCG mula pa noong Oktubre 25 hanggang Nobyembre 5.

Top