-- Advertisements --
Tuluyan nang inalis ng Philippine Coast Guard (PCG) ang suspensiyon sa operasyon ng mga sasakyang-pandagat sa Central at Southern Cebu.
Kasunod na rin ito ng pagbuti ng lagay ng panahon sa karagatan matapos manalasa ang bagyong Ursula.
Maliban dito, maaari na ring bumiyahe ang mga sasakyang-pandagat sa Cebu at Bohol.
Pero nananatili namang suspendido ang pagbiyahe ng mga bangka sa northern Cebu.
Samantala, nananatili namang kanselado ang mahigit 40 domestic flights ngayong araw ng Pasko dahil sa bagyong Ursula
Kabilang sa mga nagkansela ng flights ang Philippine Airlines (PAL), Cebu Pacific, Cebgo, Air Asia at Skyjet.