-- Advertisements --

Magpapatupad ng mas maigting na sea patrols ang Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea, matapos mapalayas ang ilang Chinese vessel sa lugar.

Matatandaang pitong barko ng China ang binigyan ng “challenge” ng PCG kamakailan, dahil nasa loob ang mga ito ng Philippine exclusive economic zone (EEZ).

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at siya ring chairman ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), itutuloy lamang nila ang pag-iikot sa nasabing bahagi ng karagatan, hangga’t may presensya ng mga banyagang barko.

Tila “lucky charm” naman ang lady officer ng PCG sa pagpapa-alis sa mga barko ng higanteng bansa.

Mas madalas kasing ang mga Tsino ang nagbibigay ng “challenge” sa mga sasakyang pandagat ng mga Filipino, kahit nasa loob na ng ating teritoryo.