-- Advertisements --
pcg deployment bske at undas

Naka-heihtened alert na para sa darating na long weeked ang buong hanay ng Philippine Coast Guard.

Bahagi pa rin ito ng paghahanda ng PCG para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas 2023, simula sa Oktubre 27 hanggang 05 Nobyembre 2023.

Kaugnay nito ay inatasan ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil L Gavan, ang lahat ng PCG Districts, Stations, at Sub-Stations na paigtingin ang mga hakbang sa seguridad at kaligtasan sa lahat ng daungan sa buong bansa.

Ito aniya ay upang matiyak na magiging maayos ang operasyon ng mga pasilidad ng transportasyon sa dagat, maginhawang paglalakbay ng seafaring public, mapayapang halalan, at seguridad ng mga turista sa mga beach at pribadong resort sa buong bansa sa gitna ng inaasahang pagtaas ng volume ng maritime traffic.

Nakahanda na rin ang mga deployable response group at PCG Auxiliary para sa iba’t-ibang mga operasyon.

Habang ang mga unit at security team ng Coast Guard K9 ay magsasagawa ng mga inspeksyon sa presinto ng halalan upang itaguyod ang mapayapa, ligtas, at tapat na pagsasagawa ng BSKE 2023.

Bukod pa rito, magpapatrolya ang mga tauhan ng PCG sa mga maritime tourist destination, na handang dagdagan ang mga lifeguard at first responder.

Samantala, kasabay nityo ay mas pinaigting din ng PCG ang kanilang operasyon kasama ang Philippine Ports Authority at Maritime Industry Authority, partikular sa pagsasagawa ng vessel safety at security inspections at paalalahanan ang mga pasahero sa pantalan na manatiling mapagbantay at alerto sa paglalakbay sa dagat.

Nakikipag-ugnayan din ang PCG sa Commission on Elections (COMELEC), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP) sa pangangalaga sa integridad ng BSKE at pagtataguyod ng transparency ng proseso ng elektoral.