-- Advertisements --
pcg

Nagbabala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na huwag papalinlang sa maling impormasyon online para pagdudahan ang mga ginagawang pagsusumikap ng pamahalaan sa paprotekta sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, umapela si PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela sa mga Pilipino na magkaisa at maging makabayan sa pamamagitan ng pagsugpo sa fake news online sa gitna ng tumataas na bilang ng mga indibidwal na nagiging kasangkapan ng China para magpakalat ng kasinungalingan sa internet.

Umapela din ang opisyal ng PCG sa lahat ng Pilipino gamitin ang online platform sa pagkomento at pagbabahagi ng tamang impormasyon sakaling makakita ng fake news sa inyong feed.

Ito aniya ang tanging paraan para malabanan ang mga nagpapakalat ng maling mga impormasyon.

Sinabi din nito na ang laban aniya sa West Philippine Se ay laban ng bawat Pilipino.

Una ng kinondena ng mga awtoridad ang Pilipinas kamakailan ang isinagawang mapanganib na pagmaniobra ng Chinese vessels kung saan hinarang at binomba ng tubig ng China Coast Guard vessels ang mga resupply boat ng PH sa Ayungin shoal.