247199930 608791230144083 7595407067689874448 n
-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni PO2 Marlon Boromeo, ang sub-station commander ng Philippine Coastguard (PCG)-Pagudpud sa Ilocos Norte na mahigpit nilang minomonitor ang alon sa dagat.

Ito ay matapos magpalabas ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng alert level system.

Ayon kay Boromeo, maliban sa pagmonitor ng PCG ay nakikipag-ugnayan rin sila sa iba pang sub-station kasama na ang mga barangay na siyang tutulong sa kanila sa information dissemination.

Samantala, pinaalalahanan ni Boromeo ang publiko na kahit walang bagyo ay dapat maging alerto para maiwasan ang masamang pangyayari kung nasa gitna man ng dagat.

Nabatid na sa ngayon ay aabot na sa tatlong metro ang taas ng alon sa dagat.

-- Advertisement --